Manila, Philippines – Hindi umubra kay Senator Chiz Escudero ang katwiran ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na hindi siya ang nagponente ng rekomendasyon na ibaba sa homicide ang kasong murder laban sa mga pulis na sangkot sa pagpatay kay dating Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa.
Paliwanag ni Escudero, lahat ng resolusyon ng mga prosecutors ng DOJ ay dumadaan sa kalihim at maaari nitong baligtarin ang resolusyon kung sa tingin nya ay hindi ito makatarungan.
Dagdag pa ni Escudero, bilang Justice Secretary ay dapat nagkusa si Aguirre na bantayang mabuti ang kaso laban sa 19 na Leyte pulis ng sangkot sa krimen sa pangunguna ni Supt. Marvin Marcos.
Diin ni Escudero, dapat tinitiyak ni aguirre na palaging tama ang ginagawa ng kanyang mga subordinates.