Manila, Philippines – Iginiit ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na walang pinangalanang grupo na umano ay wawasakin ng gobyerno.
Ito ay matapos batikusin si Andanar ng Makabayan bloc dahil sa pahayag nitong wawasakin ng gobyerno ang mga umano ay legal fronts ng communist party.
Nagtataka si Andanar sa reaksyon ng mga mambabatas dahil wala naman siyang pinangalanan sa grupo.
Sumusunod lamang aniya siya sa mandato ng Pangulo at batas laban sa mga rebelde.
Facebook Comments