Sec. Bello, handang humarap sa imbestigasyon ng PACC

Manila, Philippines – Iginiit ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na wala siyang natatanggap na anumang reklamong katiwalian laban sa kanya.

Ito ay kasunod ng pag-iimbestiga ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) sa tatlong gabinete ng Pangulong Rodrigo Duterte kung saan kabilang si Bello.

Ayon kay Bello – handa namang humarap ang kalihim sa anumang imbestigasyon.


Kasabay nito, dumistansya ang Malacañang sa isyu, giit ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na hihintayin nila ang resulta ng imbestigasyon.

Sa oras aniya na may mapatunayang may mali ay tiyak na mananagot sila sa Pangulo.

Bukod kay Bello, iniimbestigahan din ng PACC sina TESDA Director General Isidro Lapeña at National Commission on Indigenous People Chairperson Atty. Leonor Leonor Quintayao.

Facebook Comments