
Nagpasalamat si Labor Secretary Bienvenido Laguesma matapos na hindi tanggapin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kaniyang courtesy resignation.
Sa isang pahayag, sinabi ni Laguesma na patuloy niyang pagbubutihin ang pagtatrabaho at pamumuno sa Department of Labor and Employment (DOLE) dahil na rin sa tiwala sa kaniya ni Pangulong Marcos.
Sabi pa ni Laguesma, sisiguruhin niyang maayos na nagagampanan ng kagawaran ang tungkulin tungo sa hangarin ng pangulo na Bagong Pilipinas.
Isa lamang si Laguesma sa 20 opisyal na hindi tinanggap ng pangulo ang isinumiteng courtesy resignation sa gitna ng ginagawang cabinet revamp ng administrasyon.
Facebook Comments









