Sec. Briones, nakatatanggap ng harassment mula sa iba’t ibang grupo

Iginiit ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na nakatatanggap siya ng harassment mula sa iba’t ibang grupo na kinakatawan ng mga mag-aaral at guro.

Nabatid na naglabas ng direktiba ang DepEd na magkaroon ng profiling na ikinababahala ng ilang grupo na posibleng mauwi sa harassment ng mga guro at iba pang manggagawa.

Sa Malacañang Briefing, sinabi ni Briones, marami ang nagsasabing mabulok sana siya impiyerno at tinawag pa siyang “whore.”


Binigyang diin ni Briones na sumusunod lamang ang DepEd sa mga pamantayan at patakaran para sa mga grupong may kinalaman sa government organizations.

Mayroong higit 11 malalaking organisasyon ng teaching at non-teaching staff na nagsumite ng pangalan at listahan ng kanilang mga officer.

Facebook Comments