Nilinaw ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na hindi siya kontra sa dagdag sahod ng mga guro sa mga pampublikong eskwelahan.
Ayon kay Briones – hindi lang naunawaan ang kanyang naunang pahayag na maraming benepisyong natatanggap ang mga guro.
Dagdag pa ng kalihim – kailangang maglabas ng malaking pondo ang gobyerno para sa umento sa sahod ng mga guro sa public school.
Aniya, kailangang pag-aralang mabuti ang fiscal impact ng salary increase dahil ang dagdag na ₱5,000 across the board ay mangangailangan ng ₱75 bilyon kada taon.
May mga dapat ding ikunsidera gaya ng polisiya sa tax, pag-utang o budget reallocation.Gayunman, tiniyak ng DepEd na makukuha ng mga guro ang susunod na umento sa kanilang mga sahod.
Facebook Comments