*Cauayan City, Isabela- *Pinangunahan ni Presidential Adviser on Peace Process Secretary Carlito Galvez at pamunuan ng 5th Infantry Division Philippine Army ang pagpapasinaya sa Commemorative CPLA Marker kasama ang mga kasundaluhan ng Cordillera Region bilang bahagi ng National Peace Conciousness Month sa Camp Melchor Dela Cruz, Upi, Gami, Isabela.
Sa isinagawang Presscon, inihayag ni Sec. Galvez na ang mga NPA na nagbalik loob sa gobyerno na nagnanais maging sundalo ay mabibigyan ng livelihood program, libreng pabahay, social protection at pagbibigay ng mga ektaryang lupain sa mga nais namang magsaka sa ilalim ng E-CLIP program ng pamahalaan.
Binigyang diin ni Sec. Galvez na hindi militarisasyon sesentro ang isyu patungkol sa peace process na kamakailan ay idineklarang all out war ni Pangulong Duterte sa hanay ng mga New People’s Army.
Kaugnay nito,pangungunahan naman ni Pangulong Duterte sa darating na September 19 ang decommisioning sa mga isinukong armas .
Pinuri naman ni Sec. Galvez ang mga veterans at mga kasundaluhan mula Cordillera dahil sa kanilang patuloy na pakikisa sa adhikain ng bansa na tuluyang magkaroon ng kapayapaan.