Nanindigan si Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) Vice Chairman at Department of Energy (DOE) Sec. Alfonso Cusi na walang personalang naganap sa national assembly ng kanilang partido noong Lunes.
Ito ay matapos kwestyunin ng kampo ni PDP-Laban President at Sen. Manny Pacquiao ang nasabing assembly.
Ayon kay Cusi, walang paglabag sa PDP-Laban constitution ang pulong sa Cebu dahil may authority sila mula kay Pangulong Rodrigo Duterte at nagpadala ng notices na tila binalewala o minaliit ng iba.
Kasabay nito, ibinunyag ni Cusi na nagpahiwatig si Pacquiao ng intensiyong tumakbong presidente.
Una na rin nabanggit nina Senate President Vicente “Tito” Sotto III at Senator Panfilo Lacson na interesado si Pacquiao na tumakbo sa pagka-pangulo.