Sec. Cusi, itinuro ni Senator Pimentel na utak ng power grab sa PDP-Laban

Tinukoy ni Partido Demokratikong Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) Executive Vice Chairman Senator Koko Pimentel si Energy Secretary Alfonso Cusi na utak sa tangkang pag-agaw ng kapangyarihan sa partido.

Ayon kay Pimentel, lantad ang mga naging kilos ni Secretary Cusi kaya siya ang malinaw na utak sa tangkang power grab sa ruling party.

Kwento pa ni Pimentel, tinalakay sa kanya noon ni Cusi ang hangarin nito na ire-organisa ang kanilang partido bilang paghahanda sa 2022 elections.


Pero sabi ni Pimentel, nabahala si Cusi nang maupo na si Senator Manny Pacquiao noong December ng nakaraang taon bilang pangulo ng partido.

Kaya tanong ni Pimentel, ano ang problema at labis na pinag-aalala ni Cusi at grupo nito sa pamumuno ni Pacquiao.

Diin ni Pimentel, kanilang patutunayan na ang mga umaagaw sa kapangyarihan sa partido ay hindi totoo o hindi nila genuine members.

Facebook Comments