Manila, Philippines – Nakatakdang makipagpulong mamayang gabi kay Pangulong Rodrigo Duterte si Agriculture Secretary William Dar upang pag-usapan ang pagsuspinde sa rice importation kasabay ng harvest season para sa local rice.
Ayon kay DA spokesperson Noel Reyes, ipapaliwanag ng DA chief kay Pangulong Duterte ang mga kinakailangang suporta ng ahensya upang gawing mapagkumpitensya ang mga magsasaka at mapataas ang presyo ng aning palay.
Sa ngayon kasi aniya ay isang bilyong piso lamang ang pondo ng NFA para sa rice procurement.
Target ng DA at NFA na tapatan ng mas mataas na presyo ang bilihan ng palay sa mga lugar na mababa ang alok ng mga rice traders.
At karamihan sa mga magsasaka ay nakatali na sa mga rice traders dahil naiutang na sa mga ito ang binhi, pataba at iba pang gastusin.
Ayon pa kay Reyes, isa sa nakikita ng ahensya ay makapagbukas ng credit line upang gawing pangkalawakan ang palay procurement ngayong panahon ng anihan.