Sec. Diokno, itinalagang bagong gobernador ng BSP

Manila, Philippines – Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Budget Secretary Benjamin Diokno bilang bagong governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ito ang kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea matapos ang cabinet meeting nitong Lunes.

Ipagpapatuloy ni Diokno ang termino ng pumanaw na BSP Governor na si Nestor Espenilla Jr., na dapat ay hanggang July 2023.


Pumanaw si Espenilla noong February 23 sa edad na 60-anyos dahil sa sakit na cancer.

Samantala, wala namang ibinibigay pa na pangalan ang Malacañang na magiging kapalit ni Diokno sa DBM.

Facebook Comments