Manila, Philippines – Nanindigan si House Committee on Appropriations Chairperson, Camarines Sur Representative Rolando Andaya Jr. na may sapat na basehan para panagutin si Department of Budget and Management (D`BM) Secretary Benjamin Diokno sa pagpapahintulot nito sa mga ‘contractuals’ na mag-bid ng bilyu-bilyung piso halaga ng proyekto.
Ayon kay Andaya – maaring maharap si Diokno sa reklamong technical malversation lalo at siya ang pinuno ng DBM.
Una nang inirekomenda ng Commission on Audit (COA) ang paghahain ng administrative sanctions laban sa mga miyembro ng bids and awards committee ng DBM-procurement service na tumangging magsumite ng project monitoring reports sa kanila.
Ang DBM-procurement service staffs ay kinabibilangan ng halos 400 ‘contractual’ employees na umano ay nag-bid out ng halos ₱200 billion na government projects.