Sec. Duque, handang harapin ang pag-imbestiga ng Senado sa kaniyang service record sa PhilHealth

Haharapin ni Health Secretary Francisco Duque III ang nakatakdang pag-imbestiga ng Senado sa kaniyang public service record sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Una nang itinanggi ng kalihim ang mga alegasyong siya ang “godfather” ng umano’y mafia sa PhilHealth.

Ayon kay Duque, paraan ito para malinis ang kaniyang pangalan.


Bukas ang sinuman na silipin ang kaniyang public service record.

Sakaling mayroon lamang makita kahit isang hibla ng ebidensya na sangkot siya sa anumang iregularidad sa PhilHealth, sinabi ni Duque ay “let the axe fall.”

Masakit para sa kaniya na tawagin siyang ‘godfather’ ng isang hindi malinis na source.

Iginiit ni Duque na itinataguyod niya ang accountability at transparency sa kaniyang pagsisilbi sa publiko at sinubukan niyang ireporma ang institusyon.

Ang PhilHealth aniya ay binubuo ng “decent” at “competent” public servants.

Nagpapasalamat si Duque kay Pangulong Rodrigo Duterte at kay Justice Secretary Menardo Guevarra sa pagpupursiging linisin ang ahensya.

Iminungkahi rin ni Duque sa Kongreso na ibalik ang fixed term ng isang PhilHealth President at inirekomenda rin niya na limitahan ang pagsama ng department secretaries sa ex-officio positions.

Facebook Comments