Sec. Duque, hinalal bilang Chairperson ng WHO Regional Committee for Western Pacific

Hinalal si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III bilang Chairperson ng World Health Organization (WHO) Regional Committee for the Western Pacific.

Si Duque ay hinalal ng 37 member-states at magsisilbi siya sa loob ng isang taong termino.

Pamumunuan din ni Duque ang virtual session ng regional committee.


Ayon sa DOH, trabaho ng regional committee na bumuo ng mga polisiya, magbigay ng oversight sa mga programa, i-ulat ang progreso ng mga proyekto at pagkonsidera, pagrebisa at pag-endorso ng mga bagong inisyatibo.

Bukod sa COVID-19 pandemic initiatives, kasama rin sa agenda ng session ang vaccine-preventable diseases at immunization, ageing at health, safe at affordable surgical interventions at program budget para sa 2022-2023.

“The circumstances in which we meet this year are very different from last year when we came together to endorse the For the Future vision. Thank you for your continued commitment in implementing that vision in the time of COVID-19, as we work together to adjust to a “new normal” and create a new future,” sabi ni Duque.

Nabatid na nahaharap sa mga kritisismo si Duque mula sa mga mambabatas dahil sa paghawak ng COVID-19 situation sa Pilipinas.

Facebook Comments