Hinamon ng isang dating DOH consultant si Health Secretary Francisco Duque para sa isang pampublikong debate.
Ayon kay Dr. Francis Cruz, pambobola ang sinasabi ni Secretary Duque na “dose failure” ang sanhi ng kamatayan ng mga bata dahil hindi nakumpleto ang 3 dosage para sa Dengvaxia vaccine.
Malinaw aniya na adverse effect ng Dengvaxia ang sanhi ng kamatayan ng mga naturukan dahil ang mga biktima ay mga nakakuha ng isa, dalawa o tatlong turok o dosage ng bakuna.
Bukod aniya dito, 76 sa mga namatay na bata ay walang history na naospital o nagkasakit ng matindi.
Sa halip na magpakalat ng fake news at siraan si PAO Chief Persida Rueda Acosta at Dr. Erwin Erfe, nais ni Dr. Cruz na humarap na lamang si Duque sa debate at nang malaman kung sino ang may tinatago.
Maging ang iba pang kalihim at opisyal ng DOH at Food and Drugs Administration (FDA) ay hinamon rin ni Dr. Cruz na humarap na lamang sa debate at mapalutang ang katotohanan.