Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na tuloy lang ang pagtupad sa serbisyo ni Health Secretary Francisco Duque III.
Sa harap ito ng patuloy na mga panawagan na siya ay magbitiw na sa pwesto.
Ito ang inihayag ni Health Usec. at Spokesperson Ma. Rosario Vergeire, kasunod ng hamon ni Senador Manny Pacquiao kay Duque na umalis na sa pwesto.
Ayon kasi kay Pacquiao, dapat magkaroon ng delicadeza si Duque at mag-resign matapos ang kontrobersyal na “dropped the ball” sa pagbili sana ng Pilipinas ng COVID-19 vaccine sa Pfizer.
Iginiit din ni Vergeire, na sa pagkuha ng bakuna kontra COVID-19 at sa iba pang bagay na ginagawa ng DOH, walang nilalagpasan ang kalihim at ang kagawaran.
Facebook Comments