Mas makabubuti para sa lahat na mag-assume na mayroong local transmission ng Delta COVID-19 variant.
Ito ang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III sa harap ng limitadong kapasidad ng Philippine Genome Center (PGC) para sa pagsasagawa ng genome sequencing.
Tingin kasi si Duque na maaaring “underreported” ang local transmission ng Delta variant dahil sa limitadong genome surveillance studies sa labas ng National Capital Region (NCR).
Iginiit ni Duque na hindi na dapat maghintay pa, at sapat na makitang mayroon ng presensya rito ng naturang variant.
Umaasa ang kalihim na ang resulta ng close contact ng mga nagpositibo sa Delta variant ay lumabas sa lalong madaling panahon.
Facebook Comments