Sec. Duque, nagpaliwanag sa naging kapalpakan sa pagkuha ng bakuna kontra COVID-19

Muling iginiit ni Health Sec. Francisco Duque III na walang “dropping the ball” o kapalpakan sa negosasyon sa pagkuha ng mga bakuna kontra COVID-19 mula sa Pfizer

Sinabi ni Duque na ang kanilang ginawa ay “due dilligence.”

Aniya, sa pagkuha ng mga bakuna ay hindi pwedeng maging “reckless” at irresponsible.


Taxpayers money o pera ng mga Pilipino aniya ang gagamitin na pambili ng mga bakuna, kaya dapat ay maging maingat.

Kailangan din aniyang matiyak ng pamahalaan na hindi tayo malalamangan, at ayaw rin naman ng gobyerno na manlamang.

Binasa naman ng Kalihim sa media forum ang liham na ipinadala ni Philippine Ambassador to US Babe Romualdez hinggil sa Pfizer deal, kung saan nabanggit ang pag-amin daw na hindi pa handa ang bansa sa pagtanggap ng mga COVID-19 vaccine mula sa Pfizer.

Ayon kay Duque, sa totoo lamang ay wala silang nakuhang advisories o mutually signed document patungkol sa COVID-19 vaccines mula sa Pfizer, taliwas sa naunang pahayag ni Ambassador Romualdez.

Facebook Comments