Sec. Francisco Duque III at dating FDA Dir. Eric Domingo, pinakakasuhan ng Kamara

Inirekomenda ng Kamara na na kasuhan sina Health Secretary Francisco Duque III at dating Food and Drug Administration (FDA) Dir. Eric Domingo.

Ito ay matapos pagtibayin ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang rekomendasyon ng House Committee on Good Government and Public Accountability na kasuhan ang dalawang opisyal dahil sa mabagal umanong pag-apruba ng aplikasyon ng mga gamot laban sa COVID-19.

Nakasaad sa report ng komite na sampahan ng kaso sina Duque at Domingo ng paglabag sa Section 4 ng Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees (RA 6713) at Section 38 ng Executive Order 292.


Pinakakasuhan rin ng paglabag sa Section 8 at 21 ng Anti-Red Tape Act of 2007 (RA 9485) sina Duque, Domingo at FDA Center for Drug Regulation and Research (CDRR) Director Joyce Cirunay.

Matatandaang inimbestigahan ng Kamara ang mga polisiya at panuntunan ng DOH at FDA kaugnay ng pagrerehistro, regulasyon, paggamit, paggawa at distribusyon ng mga gamot laban sa COVID-19.

Facebook Comments