Binabati ni Office of the Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity (OPAPRU) Secretary Carlito Galvez Jr., ang Bangsamoro people sa pagdiriwang ng ika-5 anibersaryo ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon kay Galvez, ang pagdiriwang ay pagkakataon para ipagmalaki ang milestones na nakamit sa nakalipas na limang taon mula nang itatag ang BARMM at gunitain ang landas na tungo sa pagkamit ng pang matagalang kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon.
Pinuri din ni Sec. Galvez ang liderato ng BARMM sa kanilang katatagan, determinasyon, at commitment na i-angat ang buhay ng mamamayan sa rehiyon, anuman ang kanilang tribo, relihiyon o paniniwala.
Facebook Comments