Sec. Gibo, tinukoy ang ilang mga bansa na potensyal na maging kaalyado ng Pilipinas

Maliban sa Estados Unidos, nakikipag-usap ang Pilipinas sa ilan pang bansa na maaaring maging kaalyado ng Pilipinas para mapalakas ang depensa.

Sa press briefing sa Malakanyang, tinukoy ni Defense Sec. Gibo Teodoro ang Israel, Japan, Korea at Sweden na kabilang sa mga nakikitang posibleng maging katuwang ng bansa sa usapin ng defense and security.

Binanggit din ni Teodoro na kamakailan ay pumirma si dating Officer-In-Charge Usec. Carlito Galvez ng memorandum of understanding sa Sweden.


Ayon sa kalihim, ang marching order ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay humanap ng sinuman na makatutulong sa mga pangangailangan ng Pilipinas na tutugma sa national security, territorial integrity at interoperability ng bansa.

Kamakailan sa pulong sa Filipino ambassadors, hinikayat ng pangulo ang mga ito ng non-traditional partners sa mga usaping may kinalaman sa kalakalan at defense and security.

Dahilan ng pangulo, hindi dapat mapag-iwanan ang Pilipinas sa kasalukuyang pandaigdigang sitwasyon sa bagama’t binigyang diin na mananatiling neutral ang administrasyon pagdating sa foreign policy.

Facebook Comments