Sec. Guevarra itinalagang OIC ng bansa ni Pangulong Duterte

439

Muling itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Justice Secretary Menardo Guevarra na officer-in-charge ng bansa habang ito ay nasa Bangkok, Thailand para sa kanyang pagdalo sa 34th ASEAN Summit mula ngayong araw hanggang sa araw ng Linggo.

Batay sa Special Order number 631 na nilagdaan ni Pangulong Duterte at Executive Secretary Salvador Medialdea na mayroong petsang June 20 ay inatasan si Guevarra na bantayan ang operasyon ng gobyerno ng Pilipinas habang wala ang Pangulo.


Matatandaan na si Guevarra din ang itinalagang caretaker ng bansa noong nakaraang biyahe ni Pangulong Duterte sa Japan.

Darating mamayang gabi si Pangulong Duterte dito sa Bangkok, Thailand mamayang gabi para sa kanyang pagdalo bukas sa 34th ASEAN Summit.

Facebook Comments

From Advertisers