Manila, Philippines – Nilinaw ni Justice Secretary Menardo Guevarra na hindi dapat kasama si Rolito Go sa listahan ng Person Deprived of Liberty (PDL) na maagang nakalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Ayon kay Guevarra, na-commute lamang o napababa ang sentensya ni Go
Si Go ay kasama sa mga pinuntahan ng mga pulis sa bahay kaninang hatinggabi at kasama siya sa high-profile convicts na nasa listahan ng mga dapat arestuhin muli ngayong nagtapos na ang deadline ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Hindi siya naabutan ng mga pulis at sinasabing nakalabas na ito ng bansa.
December 2016 nang makalaya si Go matapos na pagtibayin ng Korte Suprema ang resolusyon ng Court of Appeals at Muntinlupa Regional Trial Court na kumakatig sa Habeas Corpus petition ni Go at ng asawang si Elsa.
Sa kanyang petisyon , iginiit ni Go na nagtapos na ang kanyang pagsisilbi ng sentensiya noon pang Agosto 2013 dahil sa GCTA.