Sec. Guevarra, sa DOJ pa rin mag-oopisina kahit itinalagang OIC ng Office of the President

Manila, Philippines – Sa Department of Justice (DOJ) pa rin mag oopisina si Justice Secretary Menardo Guevarra kahit siya ang itinalagang officer in charge sa Office of the President.

Ayon kay Guevarra, magtutungo lang siya ng Malacañang kung may sasadyain o kailangan ang kanyang presensya doon.

Sa nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea na Special Order Number 918, itinalaga ni Pangulong Duterte si Guevarra bilang tagapangasiwa sa pagpapatakbo ng executive branch hanggang sa September 9 sa pagbalik ng Pangulo mula sa biyahe sa Israel at Jordan.


Bilang OIC ng Office of the President, otorisado si Guevarra na gampanan ang tungkulin ng Pangulo ng bansa at lumagda sa mahahalagang mga dokumento at kikilalaning lagda ito ng Pangulo maliban na lang sa mga bagay na nakasaad sa konstitusyon na tanging ang Pangulo lang ang personal na gagawa.

Facebook Comments