Ninomina si Presidential Spokesperson Harry Roque sa United Nations International Law Commission (UN-ILC).
Si Roque ay kabilang sa 11 nominado mula sa Asia Pacific na mag-aagawan para sa walong pwesto.
Pinasalamatan ni Roque si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang nominasyon sa komisyon na siyang bumabalangkas ng international law.
Ang 34 na bagong miyembro ng UN law body ay nakatakdang ihalal para sa limang taong termino na magsisimula sa Enero 2023, habang ang termino ng mga kasalukuyang miyembro ay matatapos sa katapusan ng 2022.
Sakaling makakuha ng pwesto si Roque sa UN Body, hindi ito makakaapekto sa kanyang mga plano sa pulitika sakaling tumakbo siya sa 2022 elections.
Ani Roque, ang membership sa UN body ay hindi full-time paying job.
Bago naging bahagi ng Duterte Administration, si Roque ay isang party-list congressman at isang law professor.