Sec. Honasan, ipinagtanggol ng liderato ng Senado sa isyu ng paggamit ng confidential at intelligence funds ng DICT

Tiwala sina Senate President Tito Sotto III at Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson na hindi papayagan at hindi kukunsintihin ni Secretary Gringo Honasan ang anumang kwestyunableng paggastos at paglabas ng confidential at intelligence funds sa pinamumunuan nitong Department of Information and Communications Technology o DICT.

Pahayag ito nina Sotto at Lacson matapos isiwalat ni DICT Undersecretary Eliseo Rio Jr. na umaabot sa Php 300 million na cash advance mula sa confidential at intelligence funds ang nai-release kay Honasan sa huling bahagi ng 2019.

Diin ni Sotto, sa mahabang panahon niyang nakasama si Honasan sa Senado ay kilala niya ito bilang isang maprinsipyong tao.


Punto naman ni Lacson, kaya nag-alsa noon laban sa administrasyong Marcos si Honasan ay dahil sa kurapsyon at iba pang isyu.

Facebook Comments