Muling nagpaalala ang securities and exchange commission (sec)–ilagan extension office sa publiko na mag-ingat laban sa mga ponzi scheme na kumakalat online, partikular sa social media platforms gaya ng facebook, youtube, tiktok, at instagram.
Ayon sa sec, karaniwang pain ng mga scammer ang pag-aalok ng napakataas na kita sa maikling panahon, tulad ng higit 50% na balik-puhunan sa loob lamang ng ilang araw.
Ipinaliwanag ng ahensya na ang ganitong sistema ay hindi nagmumula sa tunay na negosyo, kundi sa pera ng mga bagong investor na ipinambabayad lamang sa mga nauna. Kapag wala nang papasok na bagong investor, tiyak na bumabagsak ang sistema at nalulugi ang karamihan.
Bilang proteksyon, pinaalalahanan ang publiko na huwag basta-basta mag-invest sa mga alok na tila “too good to be true” at tiyaking rehistrado at may lisensya ang kumpanya.
Maaaring gamitin ang sec check app upang makumpirma kung may kaukulang secondary license ang isang entity para mangalap ng pondo mula sa publiko.
Dagdag pa ng sec, kung ang kumpanya ay walang secondary license, tiyak na labag ito sa batas at posibleng isang scam.
Hinihikayat din ang mga mamamayan na agad magsumbong ng kahina-hinalang aktibidad upang mapigilan ang panlilinlang ng mga ponzi operators. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









