Sec. Larry Gadon, pinasisibak sa pwesto kasunod ng pahayag na haka-haka lang na mahirap ang buhay sa Pilipinas

Nananawagan ang ilang grupo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na sibakin na sa pwesto si Presidential Adviser for Poverty Alleviation Sec. Larry Gadon.

Kasunod na rin ito ng pahayag ng kalihim na haka-haka lang ang paniniwala na mahirap ang buhay sa bansa.

Sa interview ng RMN Manila, binigyang-diin ni kadamay Chairperson Gloria ka ”Bea” Arellano na nagpapakita lang na walang alam si Gadon sa tunay na lagay ng kahirapan sa bansa.


Ayon kay Arellano, walang mangyayari sa bansa kung patuloy na magbubulag-bulagan at masisinungaling ang pamahalaan sa taong bayan.

Samantala, sinabi naman ni IBON Foundation Executive Dir. Sonny Africa na ang naging pahayag ni Gadon ay matibay na basehan upang sibakin siya sa pwesto lalo na’t pinamumunuan niya ang opisina na tumututok sa poverty reduction.

Para kay Africa, ang pahayag niya ay isang propaganda upang mapabangon ang administrasyon sa publiko lalo na’t papalapit na ang midterm elections.

Facebook Comments