Inakusahan ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang isang award-winning foreign journalist na tumatanggap ng payroll sa drug trade dahil sa pagsusulat ng mapanakit na komentaryo laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay may kaugnayan sa mahinang aksyon sa pagtugon sa COVID-19 health crisis.
Sa kanyang tweet na ngayon ay burado na, sinabi ni Locsin na mataas ang approval rating ni Pangulong Duterte.
Tugon ng kalihim ito sa isang netizen na nag-post ng opinyon ni Pesek para sa Nikkei Asia.
Sa kanyang komentaryo, sinabi ng Tokyo-based journalist nasa ‘2020 underperformance’ ang Pangulo.
Dagdag pa ng mamamahayag, maraming oportunidad ang Pangulo na resolbahin ang mga butas sa ekonomiya pero sa halip ay mas inuna ang kampanya laban sa ilegal na droga.
Binanggit din niya ang bumababang reputasyon ng Pangulo dahil sa pagbanat nito sa Estados Unidos, Canada, European Union, United Nations, International Criminal Court at iba pa.