Sec. Locsin, hinamon ang mga kritiko na kwestyunin sa SC ang pagkansela ng diplomatic passports ng mga dating envoy

Manila, Philippines – Hinamon ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. ang mga kontra sa kanyang hakbang na kanselahin ang courtesy diplomatic passports ng mga dating Filipino envoys na kwestyunin ito sa Korte Suprema.

Ayon kay Locsin – mas mainam na ireklamo nila ito sa kataas-taasang hukuman.

Aniya, nakapagkansela na sila ng 172 courtesy diplomatic passports matapos harangin si dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario sa Hong Kong.


Diin pa ng kalihim – kung nais nilang i-renew ang kanilang pasaporte ay sumadya sa kanya.

Ang dumaraming courtesy passports ay ibinababa ang halaga ng pasaporte ng mga naglilingkod na ambassadors.

Nag-iisyu ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng diplomatic passport sa mga dating foreign secretaries at ambassadors mula noong 1993 bilang “matter of courtesy.”

Naghahanda na ang DFA ng guidelines kaugnay sa pag-iisyu ng courtesy passports.

Facebook Comments