Isiniwalat ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na mayroong pagtatangkang ibenta ang apat na Philippine properties sa Japan para pondohan ang Filipino veterans.
Sa serye ng tweets, inihahalintulad ni Locsin ang hakbang sa ikalawang ‘Pearl Harbor.’
Sinabi ni Locsin na nagpadala na sila ng kanilang posisyon sa Kongreso na tumututol sa pagbebenta ng government properties sa Japan.
Hindi naman tinukoy ni Locsin kung sino ang mga nasa likod nito.
Iginiit ni Locsin na mayroong ibang paraan para tulungan ang mga veteran.
Kabilang sa mga lupang nais ibenta ay ang 3,179 square meter property sa Roppongi, 2,489.96 square meter na lote sa Nampeidai, Shibuya, at ang 64.72 square-meter residential property sa Kobe.
Ang mga lupain ay nakuha ng Pilipinas sa ilalim ng war reparation agreement sa Japan noong May 9, 1956.