Nagbigay ng babala si Department of Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa mga “nagtatapangang magsalita pero sa huli ay kakain din ng alikabok”.
Ito ay kasunod ng pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque ukol sa katayuan ng Pilipinas sa Julian Felipe Reef sa West Philippines Sea.
Ayon kay Locsin, ang claims ng Pilipinas sa Julian Felipe Reef bilang bahagi ng exclusive economic zone (EEZ) ay hindi nagbabago.
Iginiit ni Locsin na ang DFA pa rin ang may huling salita sa mga usapin na may kinalaman sa foreign affairs.
Matatandaang sinabi ni Roque na ang Julian Felipe Reef ay hindi bahagi ng EEZ.
Ang Julian Felipe Reef ay matatagpuan 175 nautical miles kanluran ng bayan ng Bataraza, Palawan.
Facebook Comments