Nanindigan si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na ginawa lamang nila ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez ang kanilang trabaho.
Ito ay sa gitna ng pagkwestyon sa tila napag-iwanan ang Pilipinas sa pagkuha ng unang batch ng COVID-19 vaccines mula sa US Pharmaceutical firm na Pfizer.
Pero nilinaw ni Locsin na hindi napag-iwanan ang Pilipinas, tila mabagal lamang umaksyon ang bansa.
Tiniyak din ni Locsin na dekalidad ang mga bakunang gawa ng China.
Sinabi naman ni Romualdez, sinisikap na ng Pilipinas na isalba ang order ng mga bakuna.
Ang “dropped the ball” ay isang idiomatic expression kung saan nagkaroon ng mishandling o mismanagement.
Facebook Comments