Pinaunlakan ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin ang imbitasyon ni Singaporean Foreign Minister Dr. Vivian Balakrishnan.
Ito ay sa pamamagitan ng kanyang official introductory visit sa Republic of Singapore magmula May 7-10 May 2019.
Sa schedule na ipinadala ng Department of Foreign Affairs o DFA, sina Secretary Locsin at Minister Balakrishnan ay magkakaroon ng bilateral meeting upang paigtingin ang kooperasyon ng dalawang bansa kasabay ng pagdiriwang sa ika-50 taong pagkakatatag ng diplomatic relations ng Pilipinas at Singapore ngayong taon.
Nakatakda ding mag-courtesy call si Secretary Locsin kay Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong.
Nabatid na ito ang unang pagkakataon na magkakaroon ng bilateral visit sa Singapore si Foreign Affairs Secretary Locsin.
Habang nasa Singapore, bibisitahin din ng kalihim ang Philippine Embassy in Singapore upang masaksihan at pangasiwaan ang overseas voting kaugnay ng 2019 midterm elections.