Sec. Locsin, nag-sorry matapos tawaging ‘boba’ si VP Robredo

Nanindigan si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa pagkansela ng diplomatic passport ng mga dating ambassador at kalihim ng DFA.

Ito ay makaraang tutulan nina dating DFA Secretary Albert Del Rosario at Vice President Leni Robredo ang hakbang ng kalihim.

Ayon kay Locsin – kailangan niya itong gawin habang inaayos pa ang guidelines at para hindi mabastos ang mga may hawak nito.


Layon lang din aniya ng kanyang pasya na proteksyunan ang mga diplomat imbes na ibigay itong pabor sa mga nagretiro.

Sa kanyang Tweet, tinawag pa nitong “boba” si Robredo.

Agad namang bumuwelta ang kampo ng Bise Presidente sa pang-iinsulto ni Locsin.

Sabi ni Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo – hindi “professionalism” ang pagkansela ng DFA sa diplomatic passport matapos na haranging makapasok sa Hong Kong si dating DFA Secretary Albert Del Rosario kundi kaduwagan.

Huwag na rin aniyang lumayo si Locsin at unahin nang kanselahin ang sarili niyang diplomatic passport.

Nag-sorry na si Locsin kay Robredo.

Facebook Comments