Maaari lamang magamit ng mga dating ambassador at DFA secretary ang titulo bilang ambassador sa kanilang pagreretiro.
Ito ang bahagi ng sagot ni DFA Sec Teodoro Locsin sa mga kuwestyon na hindi nito alam ang isinasaad ng batas kasunod ng mga pahayag laban sa paggamit ng diplomatic passport ng mga dating opisyal kabilang na dito si dating DFA Sec Albert Del Rosario na maaalalang hindi pinapasok sa HK.
Sa kanyang twitter message, sinabi ni Locsin na ang immunity ay pribilehiyo ng isang aktibong ambassador.
Una rito, iginiit ng mga kritiko ng kalihim na sa ilalim ng passport act ay maaaring mabigyan ng diplomatic passport ang mga dating ambassador at DFA secretary at hindi ito maaaring basta bawiin ng kasalukuyang Foreign Affairs Secretary.
Facebook Comments