Sec. Locsin, pinayuhan si VP Leni na manahimik

130

Nagpaabot ng deretsahang mensahe si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. kay Vice President Leni Robredo hinggil sa bagong tirada nito sa Duterte Administration.

Sa kanyang tweet, sinabi ni Locsin kay Robredo na “Shhhhhh” o sa depinisyon ng Cambridge dictionary ay pinagsasabihan ang isang tao na manahimik.


Dagdag pa ng kalihim, dapat tumulong na lamang ang Bise Presidente sa pamahalaan.

Matatandaang hinimok ni VP Robredo ang Duterte Administration na itigil ang pagiging defensive hinggil sa mabagal na pagtugon nito sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments