Umapela si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., sa Local Government Units (LGUs) na huwag nang isailalim sa serye ng COVID-19 swab test at pahabain ang quarantine procedures para sa mga returning Overseas Filipino Worker (OFW).
Ayon kay Locsin, magkaroon sana ng awa ang mga LGU sa mga OFW.
Bagamat hindi niya masisisi ang mga LGU, dapat din isipin ang mahabang prosesong ginugugol ng Pinoy migrant workers mula sa pagsasailalim sa kanila sa test at pagka-quarantine.
Ang COVID-19 testing ay mayroong tatlong swabs sa isang procedure.
Ang test ay sagot ng manning agencies para sa seafarers at ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) naman ara sa land-based workers.
Facebook Comments