Sec. Lorenzana, magwi-window shopping ng mga defense equipment sa Europa

Pupunta si Defense Secretary Delfin Lorenza sa Europa sa Setyembre.

Aniya, ito ay upang makapag-window shopping ng mga kagamitan na posibleng magamit ng bansa para mas mapalakas  pa ang mga kagamitan pang seguridad.

Kinumpirma ni Lorenzana na bibisitahin niya ang bansang France, Spain, Portugal, United Kingdom at Czech Republic kung saan inimbitahan siya para ipakita ang kanilang defense equipment.


May alok ang France na submarine habang ang Portugal at Spain naman ay may alok na barko.

Samantalang inalok naman ng Czech Republic at United Kingdom si Lorenzana ng mga baril.

Ang mga alok ng mga bansang ito ay pag-aaralan muna raw ng kalihim bago magdesisyon kung muling bibili ang Department of National Defense (DND).

Facebook Comments