Sec. Lorenzana, tiniyak na magkakaroon ng improvement sa mga pasilidad sa Pag-asa Island

Tiniyak ni defense Secretary Delfin Lorenzana na pagagandahin ang mga pasilidad para sa mga tropa ng militar na nagbabantay sa Pag-asa Island.

Ayon kay Lorenzana – posibleng maglagay sila ng solar power, radyo at internet facilities.

Maliban sa Pag-asa, mayroon pang walong isla ang tinututukan ang pamahalaan kabilang na ang Ayungin Shoal.


Sa ngayon, isinasaayos na ang runway sa Pag-asa Island at ikinukonsidera ring magkaroon ng hotel accommodations para sa mga Pilipinong turista.

Facebook Comments