Pansamantalang ini-upo ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang officer in charge ng bansa si Executive Secretary Salvador Medialdea.
Sa inilabas na Special Order 13-46, magsisilbing OIC ng bansa si Medialdea mula Nobyembre a-bente kwatro hanggang a-bente sais habang nasa Busan, South Korea si Pangulong Duterte at ilan pang myembro ng kanyang gabinete para sa official visit at pagdalo sa 2019 ASEAN-Republic of Korea Summit.
Iniuutos ng Pangulo sa mga opisyal ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na tulungan si Medialdea sa pagtupad ng tungkulin at day-to-day operations ng executive department.
Ang nasabing dokumento na may petsang Nobyembre a-bente dos ay pirmado nina Pangulong Duterte at Executive Secretary Salvador Medialdea.
Mababatid na bukod sa pagdalo sa ASEAN-Republic of Korea Summit, magkakaroon din ng bilateral meeting sina Pangulong Duterte at South Korean President Moon Jae-in.