Nagbigay ng go signal ang Securities and Exchange Commission (SEC) para sa pagbuo ng entity na magsisilbing mobile number portability service provider.
Ayon sa Globe Telecom – nakatanggap na sila ng approval mula sa SEC para sa incorporation ng Telecommunications Connectivity Inc.
Ang nasabing entity incorporation ay may kaugnayan sa joint venture ng Globe, PLDT-Smart, ikatlong telco na dito telecommunity kung saan kinuha nila ang Florida-based Syniverse Technologies bilang mobile number portability service provider.
Ang hakbang na ito ay alinsunod sa Republic Act 11202 o Mobile Number Portability Act na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa ilalim nito, pwedeng magpalipat-lipat ng network ang subscriber na hindi nagbabago ng mobile number.