Manila, Philippines – Nanindigan ang Securities and Exchange Commission o SEC na dapat na daw ipasara ng tuluyan ang Kapa-Community Ministry International Inc.
Ayon kay Secretary Chairman Emilio Aquino, posibleng mas dumami pa ang mahikayat ng Kapa kung hahayaan itong mag-operate.
Nabatid na mula Visayas at Mindanao, mayroon na din daw ilang branches ang Kapa sa Luzon kaya at hangga’t maaari ay matigil na umano ang ginagawa nilang panloloko.
Handa naman daw harapin ng SEC ang inihaing reklamo ng investor ng Kapa na Rima International Livelihood Incorporated sa Korte Suprema kahit pa may nakikita silang depekto sa petisyon.
Una nang hiniling ng SEC sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) na i-freeze lahat ng bank accounts at assets ng Kapa kung saan ayaw naman lumantad ng founder nito na si Joel Apolinario dahil na din sa banta sa kaniyang seguridad.