Lilisanin na ni Secretary Manny Piñol ang “agriculture portfolio” at lilipat sa Mindanao Development Authority (MINDA) para magsilbing “point man” ng gobyerno sa Bangsamoro Autonomous Region.
Ito ang anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa Alangalang, Leyte kagabi.
Ayon sa Pangulo – kailangan niya si Piñol para mapabilis ang development sa bagong tatag na rehiyon matapos mapansing nagkakaroon ng delay sa government efforts.
Sabi pa ng Pangulo – kinikilala niya ang MINDA bilang isang special entity na magsusulong ng full development sa Mindanao.
Iginiit din niya na magkaroon na ng pangmatagalang kapayapaan sa rehiyon.
Una nang sinabi ng Pangulo na makikipag-usap muna siya kay Bangsamoro Transition Authority (BTA) Interim Chief Minister Murad Ebrahim bago ilipat si Piñol sa MINDA.