Sec. Piñol, itinangging nagbitiw sa pwesto

Itinanggi ni Agriculture Secretary Manny Piñol na sinibak siya ni Pangulong Rodrigo Duterte at nagbitiw siya sa pwesto.

Ayon kay Piñol – hindi siya nag-resigned maliban na lamang kung sinabi na ng Pangulong Duterte na hindi na niya kailangang ang kanyang serbisyo.

Dagdag pa ng kalihim, kilala na niya ang Pangulo sa loob ng 25-taon at kabisado na niya ang ugali nito.


Itinuturing din ni Piñol na hamon ang pahayag ng Pangulo na hindi na kailanman magiging rice sufficient ang bansa.

Facebook Comments