Manila, Philippines – Nagsumite na ng courtesy resignation si Agriculture Secretary Manny Piñol.
Ito ang kinumpirma ni Senator-elect Bong Go bago ang kanyang oath taking ceremony sa Malacañang kagabi.
Ayon kay Go – natanggap niya via e-mail ang courtesy resignation ni Piñol at pinabasa na niya ito kay Pangulong Duterte.
Nakasaad sa resignation letter na handang umalis sa kanyang puwesto ang kalihim kung wala nang tiwala sa kanya ang Pangulo.
Gayunman, hindi pa masabi ni Go kung tatanggapin ito ng Pangulo.
Handa rin naman daw si Piñol na magsilbing chairman ng Mindanao Development Authority kung itatalaga siya rito ng Pangulo.
Facebook Comments