Pabor si Agriculture Secretary Manny Piñol na isapubliko ng Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) at Food and Drugs Administration (FDA) ang mga pangalan ng mga produktong suka na may taglay na synthetic acetic acid.
Nagtataka si Piñol kung bakit hindi pa rin ibinubunyag ang mga brand ng mga pekeng suka upang magabayan ang mga konsyumers.
Una nang ibinunyag ng PNRI na 14 sa 17 ng mga vinegar brands na kanilang sinuri ay nagpositibo sa synthetic acetic acid.
Ayon sa PNRI, ang kanilang pag-aaral ay limitado lamang sa pagdetermina kung ang acetic acid ay fermented o synthetic.
Hindi pa rito kasama ang pag-alam kung ang mga synthetic acetic acid ay maituturing na carcinogenic.
Ire-review naman ng FDA ang pag-aaral ng PNRI bago gumawa ng kaukulang aksyon.