Sec. Piñol, itinanggi ang paratang na pinipigilan niya ang implementasyon ng RTL

Manila, Philippines – Itinanggi ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang alegasyon ni Senator Sherwin Gatchalian na pinipigilan niya ang ganap na implementasyon ng Rice Tariffication and Liberalization Law.

Sinabi ni Piñol na malamang ay inakala ng senador na kontra siya sa RTL Law dahil nagpahayag siya na hindi siya sang ayon na madaliin ang roll out ng batas katulad ng kagustuhan ng economic team na magkakabisa na ito sa March 5.

Aniya, habang inuupakan siya ng senador, abala siya sa konsultasyon sa rice industry stakeholders sa Munoz, Nueva Ecija para makakuha ng inputs sa pagbuo ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Rice Tariffication Law.


Aniya, taliwas sa pahayag ni Gatchalian, walang kahirap-hirap at tuloy-tuloy ang gawain ng Department of Agriculture (DA) para suportahan ang RTL law.

Sa katunayan aniya, isusunod na nila sa darating na linggo ang tatlo pang lugar sa bansa sa lumalarga nilang information campaign at serye ng konsultasyon sa rice industry stakeholders.

Facebook Comments