SEC, pormal nang naghain ng reklamo sa DOJ kontra Kapa

Pormal nang naghain ng reklamo sa DOJ ang Securities and Exchange Commission o SEC laban sa Kapa-Community Ministry International, Inc. kaugnay ng sinasabing investment scam ng nasabing religious group.

Pinangunahan ng SEC Enforcement and Investor Protection Department ang pahahain ng reklamong paglabag sa ilang probinsyon ng Securities Regulation Code laban sa mga opisyal ng Kapa.

Sa ilalim ng Section 8, ipinagbabawal ang pagbebenta o pag-aalok ng securities nang walang kaukulang registration statement mula sa SEC


Ayon sa SEC, nilabag din ng Kapa ang Section 26 ng SEC o ang probisyon nito hinggil sa fraudulent transactions.

Ayon sa SEC, bawal ang direct o indirect na pagbili o pagbebenta ng anomang securities gamit ang anomang device o scheme para makapanloko.

Kabilang sa mga ipinagharap ng reklamo sa DOJ ang founder ng Kapa na si pastor Joel Apolinario na sinasabing pasimuno ng malawakang investment scheme

Nauna nang inanunsyo ng SEC ang pag-freeze ng mahigit sa P100 million na assets ng Kapa-Community Ministry matapos makakuha ang SEC ng freeze order mula sa Court of Appeals (CA) noong June 4.

Facebook Comments