Manila, Philippines – Ipinagkibit-balikat ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Eliseo Rio Jr., ang ulat na ipapalit sa kanya si Senador Gringo Honasan.
Ayon kay Rio – na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon at susunod siya sa kung anuman ang gagawing pagbabago sa ahensya.
Ani Rio, matagal na ang ulat na ito pero posibleng ito.
Tiniyak naman ni Rio na ang mga usap-usapang appointment ni Honasan ay hindi makakaapekto sa bidding process ng DICT kasama ang National Telecommunications Commission (NTC) sa pagpili ng ikatlong telecom player.
Facebook Comments